Bago gumawa ng anumang agarang aksyon o tumalikod sa mga mahahalagang serbisyo, hinihimok namin ang mga nag aalala na San Franciscans na kumonsulta sa isang abogado na inaprubahan ng Lungsod na nakabase sa komunidad.
Ang kasong ito ay tungkol sa pagprotekta sa ating mga residente at paninindigan laban sa isang patakaran na magkakaroon ng mapaminsalang epekto sa kagalingan ng maraming San Franciscans.