Tinutulungan ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) at ng aming mga partner sa komunidad ang mga imigrante na mag-apply para sa mga benepisyo ng publiko, kabilang ang tulong sa pagkain, insurance sa kalusugan, at tulong pinansyal. Ang aming mga partner ay nagbibigay rin ng libreng serbisyong legal at sebisyo sa suporta sa pagkamamamayan.