Ano ang CAAP?
Ang CAAP ay nagbibigay ng mga tulong na pera at mga serbisyo para sa trabaho sa mga taga-San Francisco na mababa ang kita na walang umaasang anak, kabilang ang mga hindi makapagtrabaho, imigrante, at refugee.
Ang CAAP ay nag-iisyu ng mga buwanang benepisyo sa isang Electronic Benefit Transfer (EBT) card na ginagamit mo na parang card ng bangko para sa mga pagbili sa mga tindahan ng retail o sa mga ATM para mag-withdraw ng cash.
Ang iyong pagiging kwalipikado para sa CAAP ay nakabatay sa paninirahan, kita, at mga gastos. Posibleng kwalipikado kang makatanggap ng mga benepisyo sa CAAP habang nagtatrabaho o dumadalo sa mga bokasyonal na pagsasanay o klase para sa GED, ESL, o diploma sa mataas na paaralan.
Mga Anunsyo
Panukala F
Inaprubahan ng mga botante ang panukalang ito noong Marso 2024 para makatulong na tugunan ang epidemya sa San Francisco na dulot ng pagka-overdose sa opioid.
Paano protektahan ang iyong EBT card
Gumamit ng isang online na tool at iba pang mga paraan upang mapanatili ang iyong EBT card na ligtas mula sa pagnanakaw o pandaraya.