Programa sa Pagpapayo at Pagsusulong ng Insurance sa Kalusugan (Health Insurance Counseling and Advocacy Program, HICAP)
Ang Programa sa Pagpapayo at Pagsusulong ng Insurance sa Kalusugan (Health Insurance Counseling and Advocacy Program, HICAP) ay isang programa para sa mga boluntaryo na tumutulong sa mga nakakatanggap ng Medicare, kanilang pamilya, at mga tagapag-alaga na maunawaan ang kanilang mga benepisyo, opsyon, at karapatan sa insurance sa kalusugan. Nag-aalok ang HICAP ng libre, walang kinikilingan, kumpidensyal, at personal na tulong mula sa mga counselor sa insurance sa kalusugan na inirehistro ng Departamento sa Pagtanda ng California.
Nag-aalok kami ng tulong sa pamamagitan ng Medicare, mga karagdagang patakaran ng Medicare, Organisasyon para sa Pagpapanatili ng Kalusugan (Health Maintenance Organization, HMO), at insurance sa pangmatagalang pangangalaga. Matutulungan ka rin namin sa paghahain at paghahanda ng mga claim sa insurance at apela sa Medicare, kung tinanggihan ang iyong apela.
Tanungin kami tungkol sa aming mga libreng presentation na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa Medicare at iba pang paksang nauugnay sa insurance sa kalusugan.
Higit pang impormasyon
Self-Help for the Elderly
601 Jackson Street 2nd Floor,
San Francisco, CA 94133
(415) 677-7520 o (800) 434-0222