Mga Dokumento ng Imigrasyon para sa Mga Benepisyo ng Publiko
Kapag nag-apply ka para sa mga benepisyo ng publiko, susubukan ng SFHSA na beripikahin ang iyong status bilang imigrante sa pamamagitan ng mga available na online na source. Kung hindi namin iyon magagawa, maaari kaming humingi ng isa o dalawang dokumento para mapatunayan ang iyong status sa loob ng 90 araw.
Mga tinatanggap na dokumento para sa mga application para sa mga benepisyo ng publiko
Tinatanggap na Dokumento | Mga Programa |
---|---|
Liham ng Pag-apruba ng Asylum mula sa USCIS | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, CAAP, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |
Nakumpletong kopya ng Form I-918, Petisyon para sa status na U Nonimmigrant | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, CAAP, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |
Resibo o liham ng pagkumpirma mula sa USCIS na nagbeberipikang naihain na ang Petsiyon para sa Status na U Nonimmigrant (Form I-918). | Medi-Cal, CalFresh |
Dokumento ng Awtorisasyon sa Pagtatrabaho (Employment Authorization Document, EAD) na ibinigay sa ilalim ng kategoryang “A19” o “A20” para sa inaprubahang petitioner ng U Visa | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, CAAP |
Dokumento ng Awtorisasyon sa Pagtatrabaho (Employment Authorization Document, EAD) na ibinigay sa ilalim ng kategoryang “C9” kasama ang unang pahina ng Form I-485 ng aplikante, na nagsasaad na ang application para baguhin ang legal na permanenteng tirahan ay nakabatay sa status ng U Visa. | Medi-Cal, CalFresh |
Form I-797 na nag-aapruba ng U Visa o U Visa stamp sa pasaporte. | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, CAAP, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |
Form I-797, na nagsisilbing resibo ng bayarin para sa Form I-485 na Application para Magparehistro ng Permanenteng Tirahan o Baguhin ang Status, at ang unang pahina ng Form I-485 ng aplikante na nagsasaad na nakabatay ito sa status ng U Visa. | Medi-Cal, CalFresh |
Form I-797, na nagsisilbing resibo ng bayarin para sa kahilingan sa awtorisasyon sa pagtatrabaho na nakabatay sa isang application para sa U Visa. | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, CAAP |
Form I-797C na Pagpapalawig ng status na U nonimmigrant | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |
Form I-94 | CalFresh, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |
“Green Card” na card ng Legal na Permanenteng Paninirahan | Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, CAAP |
Sariling pagpapahayag ng intensyong mag-apply para sa T Visa | CalFresh, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |
Dokumento ng USCIS na nagpapakita kapag na-parole sa U.S. ang indibidwal | CalFresh, Mga Tulong na Pera para sa Refugee |