Tumutulong ang IHSS sa mga matanda at taong may kapansanan sa mga pang-araw-araw na gawain, tulad ng pagligo, pagbibihis, paglalaba, pamimili, at pagluluto.
Ang CAAP ay nagbibigay ng mga tulong na pera sa mga nasa hustong gulang na mababa ang kita na walang umaasang anak, mga nasa hustong gulang na hindi makapagtrabaho, at mga refugee.
Iilang tao lang ang maaapektuhan ng mga pagbabago sa mga panuntunan sa public charge. Manatiling updated at alamin kung paano matatanggap ang tulong na kailangan mo ngayon.