Na-update noong Disyembre 28, 2022 Public Charge

Sasagutin ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) ang Iyong mga Tanong

Ang public charge ay isang legal na terminong naglalarawan sa isang tao na pangunahing umaasa sa mga benepisyo ng pamahalaan para sa suporta. Noong 2019, pinalawak ng pederal na pamahalaan ang listahan ng mga programang ginagamit para mapagpasyahan kung maituturing na “public charge” ang isang immigrant. Ni-reverse na ang pagbabagong iyon noong 2019 .

Ang ibig sabihin nito para sa mga immigrant

  • Ligtas mong magagamit ang mga programa sa kalusugan, nutrisyon, at pabahay kung saan kwalipikado ka at ang iyong pamilya. 
  • Ang paggamit mo ng voucher para sa Medi-Cal, CalFresh, pampublikong pabahay, o opsyon sa pabahay ay HINDI NA isasaalang-alang kapag nag-apply ka para sa green card o entry sa Estados Unidos.
  • HINDI isasaalang-alang para sa mga layunin sa public charge ang iyong medikal na pagpapagamot o mga serbisyong pang-iwas sa sakit para sa COVID-19, kasama ang mga bakuna.
  • Kung mag-a-apply ka para sa green card o entry sa bansa, ang mga programa lang na isasaalang-alang sa ilalim ng pagsusuri para sa public charge ay:   
    • Mga programa para sa tulong na cash, gaya ng CalWORKs, CAAP, at SSI
    • Institusyonal na pangmatagalang pangangalaga na binabayaran ng Medi-Cal

Mag-apply para sa mga benepisyo  
Hinihikayat ka naming kunin ang mga pansuportang benepisyo na kailangan mo at ng iyong pamilya. Mag-apply para sa Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, at CAAP online gamit ang BenefitsCal o sa pamamagitan ng telepono sa (415) 558-4700.

Alamin ang iyong mga karapatan. Alamin ang mga detalye 
Para sa mga tanong tungkol sa public charge at iyong mga benepisyo:

Mga Madalas Itanong

  1. Ano ang public charge?
  Ang public charge ay isang legal na terminong naglalarawan sa isang taong umaasa sa mga benepisyo ng pamahalaan para sa suporta. 

Ang pagsusuri sa “public charge” ay ginagamit ng mga opisyal sa immigration ng pederal para matukoy kung sino ang papapasukin nila sa Estados Unidos at kung sino ang makakakuha ng Lawful Permanent Residency (LPR)—na tinatawag ding green card.  Nalalapat din ito sa mga may-ari ng green card na umaalis sa bansa nang anim na buwan at naglalayong pumasok ulit.  Hindi nalalapat ang public charge sa mga aplikasyon para maging naturalized na mamamayan ng U.S.

2. Nagbago ba ang panuntunan sa public charge?
Hindi.  Noong 2019, pansamantalang pinalawak ni President Trump ang listahan ng mga programa para sa pampublikong benepisyo na puwedeng isaalang-alang sa ilalim ng pagsusuri sa public charge. Gayunpaman, ni-reverse na ni President Biden ang pagbabagong iyon. Ibig sabihin, hindi itinuturing na public charge ang karamihan sa aming mga programa.

  3. Aling mga programa para sa pampublikong tulong ang isinasaalang-alang sa pagsusuri sa public charge hanggang Disyembre 2022?
  Kung mag-a-apply ka para sa green card o para makapasok sa bansa, ang mga programa lang na isinasaalang-alang ngayon sa ilalim ng pagsusuri sa public charge ay:  

  • Mga programa para sa tulong na cash, gaya ng CalWORKs, CAAP, at SSI
  • Institusyonal na pangmatagalang pangangalaga na binabayaran ng Medi-Cal

Tandaan: Isinasaalang-alang din ng mga opisyal sa immigration ang iba pang salik gaya ng iyong edad, kalusugan, status sa trabaho, at kita. Kung nakakatanggap ka ng tulong na cash mula sa isang  programa ng pamahalaan at nababahala ka sa status mo sa immigration sa hinaharap, tumawag sa LIBRENG Linya para sa Legal na Payo ng Bay Area Legal Aid sa (800) 551-5554. Available ang suporta sa lahat ng wika.

4. Gagamitin ba ang pagsusuri sa public charge kapag nag-apply ako o ang isang kapamilya para sa pagkamamamayan?
Hindi. Hindi nalalapat ang panuntunan sa public charge sa mga aplikasyon para sa pagkamamamayan.

 5. Nalalapat ba ang public charge sa mga mamamayan?
 Hindi. Hindi nalalapat ang public charge sa mga mamamayan ng U.S., pati sa mga anak ng mga immigrant.

6. Narinig kong kung nakakatanggap ako ng CalFresh (mga food stamp), puwedeng mahirapan akong makakuha ng green card. Totoo ba iyon?
Hindi.  

7. Narinig kong kung nakakatanggap ako ng Medi-Cal, puwedeng mahirapan akong makakuha ng green card. Totoo ba iyon?
Hindi, maliban kung nakatira ka sa isang pasilidad para sa pangmatagalang pangangalaga at Medi-Cal ang nagbabayad sa mga gastusin para sa iyong paninirahan.

8. Narinig kong kung nakatira ako sa isang pampublikong pabahay o kung nakakatanggap ako ng voucher para sa opsyon sa pabahay o iba pang tulong sa upa, puwedeng mahirapan akong makakuha ng green card. Totoo ba iyon?
Hindi. Para sa impormasyon tungkol sa tulong sa pabahay, makipag-ugnayan sa:

  9. Paano kung hindi ako nakakatanggap ng anumang benepisyo pero nakakatanggap ang mga anak ko?  Makakaapekto ba ang paggamit nila ng mga benepisyo sa aplikasyon ko para sa green card?
  Hindi.

10. Kung nakakatanggap ako ng mga pampublikong benepisyo, kailangan bang bayaran ng aking sponsor o mga anak ang mga benepisyong iyon?
Hindi. Walang sistema ang California na nag-aatas sa mga sponsor o anak ng mga tumatanggap ng benepisyo na bayaran ang mga nasabing benepisyo o magbayad ng buwis sa mga benepisyong iyon.

11. Kailangan ba ng aking mga anak na magserbisyo sa militar kung nakakatanggap kami ng mga pampublikong benepisyo?
Hindi.

12. Nalalapat ba ang public charge sa lahat ng immigrant?
Hindi.  Hindi naaapektuhan ng public charge ang karamihan ng mga immigrant na nakakatanggap ng mga pampublikong benepisyo at serbisyo.  Hindi nalalapat ang public charge sa mga refugee, asylum seeker, at iba pang kategorya ng humanitarian na immigrant. Bukod pa rito, hindi nalalapat ang pagsusuri sa mga may-ari ng green card sa kasalukuyan na nag-a-apply para sa pagkamamamayan sa U.S. o para sa pag-renew ng green card.

Natatangi ang bawat kaso sa immigration. Alamin kung paano puwedeng makaapekto – o hindi makaapekto– ang public charge sa iyong pamilya sa pamamagitan ng pagtawag sa LIBRENG Linya para sa Legal na Payo ng Bay Area Legal Aid sa (800) 551-5554. Available ang suporta sa lahat ng wika.

13. Kailangan ginagamit ng pederal na pamahalaan ang pagsusuri sa public charge?
Sa iilang legal na status sa immigration lang, at sa mga partikular na punto lang sa pathway ng immigration nalalapat ang public charge. Sa pangkalahatan, inilalapat ang pampublikong charge sa tuwing may taong:

  • Nag-a-apply para pumasok sa U.S.
  • Nag-a-apply para i-adjust ang kanyang status sa immigration para makakuha ng green card
  • May green card at papasok ulit sa bansa pagkatapos lumabas ng U.S. nang mahigit sa anim na magkakasunod na buwan

14. Narinig kong nalalapat ang pagsusuri sa public charge sa mga pag-renew ng green card. Totoo ba ito?
Hindi. Kung may green card ka sa kasalukuyan at kailangan mo itong i-renew, hindi ilalapat ang pagsusuri sa public charge.

15. Nababahala ako sa privacy ng aking impormasyon. Paano ginagamit ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco ang impormasyon tungkol sa aking sarili o pamilya?
Hindi ina-access ng pederal na pamahalaan ang mga system ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco para sa pagpapatupad kaugnay ng immigration. Ginagamit lang namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin para malaman kung kwalipikado ka para sa mga benepisyo. Posibleng kailanganin naming kumpirmahin sa pederal na pamahalaan ang impormasyong ibibigay mo sa isang aplikasyon para sa pampublikong benepisyo, pero para lang masigurong kwalipikado kang makatanggap ng mga serbisyo. 

16. Mayroon pa akong mga tanong sa kung paano puwedeng makaapekto ang paglahok sa mga programa para sa pampublikong benepisyo sa aking status sa immigration o pagkamamamayan. Matutulungan mo ba ako?
Hindi kami puwedeng magbigay ng legal na payo pero nakikipagtulungan kami sa mga kwalipikadong abugado para sa immigration para makapagbigay ng libreng tulong gaya ng mga indibidwal na konsultasyon tungkol sa intersection ng mga pampublikong benepisyo at immigration.

Higit pang impormasyon

  • Para sa mga tanong tungkol sa mga pampublikong benepisyo at public charge, tumawag sa Linya para sa Legal na Payo ng Bay Area Legal Aid sa (800) 551-5554.
  • Para sa libreng legal na tulong sa immigration, bumisita sa immigrants.sfgov.orgAvailable ang suporta sa lahat ng wika.
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?

 

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value