Ang mga tao at pamilya na may mababang kita ay gumagamit ng CalFresh upang bumili ng pagkain sa maraming mga tindahan, groseri store, at palengke ng mga magsasaka.
Ang CalWORKs ay nagbibigay ng pansamantalang pinansyal na suporta, pati na rin pagsasanay sa trabaho, edukasyon, pangangalaga ng bata, at pagpapayo, sa mga nagbubuntis na babae at kwalipikadong pamilyang may mga batang wala pang 19 na taong gulang.
Sa pamamagitan ng aming tatlong departamento, tumutulong ang Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao (Human Services Agency, HSA) sa mga indibidwal, pamilya, at komunidad na mag-access ng mga serbisyo at pampublikong benepisyo na gagawa ng pagbabago sa kanilang mga buhay.