Mag-apply para sa Medi-Cal
-
Ano ang Medi-Cal?
-
Makipag-ugnayan sa Medi-Cal
-
Mag-apply para sa Medi-Cal
-
Tingnan ang Pagiging Kwalipikado
-
Gumamit ng Medi-Cal
-
Panatilihin ang Medi-Cal
Mga hakbang upang makakuha ng Medi-Cal
-
1
Maghandang mag-apply
Kakailanganin mong ibigay ang impormasyon sa ibaba para sa lahat ng miyembro ng sambahayan. Susubukan ng SFHSA na beripikahin ang iyong impormasyon sa electronic na paraan. Kung hindi namin iyon magagawa, hihingan ka namin ng dokumentasyon para sa beripikasyon.
- Impormasyon ng kita para sa lahat ng iyong sambahayan
- Impormasyon tungkol sa paghahain ng buwis para sa sinuman sa sambahayan na naghahain ng mga buwis o na-claim bilang dependent (hindi mo kailangang maghain ng mga buwis para maging kwalipikado sa Medi-Cal)
- Mga numero ng Social Security para sa mga aplikanteng mayroon ng mga ito o kwalipikadong magkaroon ng mga ito
- Impormasyon tungkol sa immigration na ginamit para matukoy ang uri ng iyong benepisyo
- Pag-aari ng property para sa mga nag-a-apply batay sa edad (65+) o kapansanan
-
2
Mag-apply sa isa sa mga sumusunod na paraan
- Online sa BenefitsCal. Tandaan: Nagiging mas secure ang iyong account dahil sa bagong proseso ng two-step na beripikasyon ng BenefitsCal. Tingnan kung paano i verify.
- Sa pamamagitan ng pagtawag sa (855) 355-5757
- Kumpletuhin at isumite ang aplikasyon (English | Español | 中文 | русский | Filipino | Tiếng Việt) sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na paraan:
- Email: SFMedi-Cal@sfgov.org
- Fax: (415) 355-2432
- Koreo: Human Services Agency, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120
- Drop box ng Center ng Serbisyo: Sa labas ng 1440 Harrison Street sa mga oras ng negosyo, o sa 1235 Mission Street anumang oras.
- Sa personal sa isa sa aming mga lokasyon ng partner sa komunidad.
-
3
Pagkatapos mong mag-apply
Ang pagtukoy sa pagiging kwalipikado ay puwedeng abutin nang hanggang 45 araw at hanggang 90 araw kung mag-a-apply ka batay sa isang kapansanan. Sa panahong ito:
- Makakatanggap ka ng Abiso ng Pagkilos o Kahilingan para sa Impormasyon: Ipapaalam sa iyo ng abiso ang iyong mga benepisyo at inililista nito ang bawat kwalipikadong indibidwal sa iyong sambahayan. Kung kailangan namin ng higit pang impormasyon bago ibigay ang abiso, matatanggap mo ang Kahilingan para sa Impormasyon.
- Hindi sumasang-ayon sa Abiso ng Pagkilos o kailangan ng paglilinaw? Makipag-ugnayan sa amin sa (855) 355-5757. Kung hindi ka pa rin sumasang-ayon sa pasya, puwede kang maghain para sa isang Pagdinig ng Estado sa pamamagitan ng pagkumpleto sa likod ng iyong Abiso ng Pagkilos.
- Pagkatapos mong mag-apply para sa Medi-Cal, makakatanggap ka ng Card ng Pagkakakilanlan para sa Mga Benepisyo (Benefits Identification Card, BIC) na magagamit mo sa pagkuha ng saklaw.
- Pagkatapos ay makakatanggap ka ng packet sa pamamagitan ng koreo na may mga mapagpipiliang planong pangkalusugan. Kung hindi ka pipili ng plano sa loob ng 30 araw, pipili ang estado ng isa para sa iyo.
- Makakatanggap ka ng Abiso ng Pagkilos o Kahilingan para sa Impormasyon: Ipapaalam sa iyo ng abiso ang iyong mga benepisyo at inililista nito ang bawat kwalipikadong indibidwal sa iyong sambahayan. Kung kailangan namin ng higit pang impormasyon bago ibigay ang abiso, matatanggap mo ang Kahilingan para sa Impormasyon.