Pamamahala ng Kaso sa Komunidad
Ang pamamahala ng kaso ay tumutulong sa mga matanda, nasa hustong gulang na may kapansanan, o kanilang mga tagapag-alaga na ayusin ang lahat ng serbisyong maaaring kailanganin nila para makapanirahan sa kanilang mga tahanan o pasilidad ng pangangalaga.
Sino ang Kwalipikado?
Ang mga residente ng San Francisco na 60 taong gulang o mas matanda, o mga indibidwal na nasa pagitan ng 18 at 59 na taong gulang na may mga kapansanan, at nasa panganib ng napaagang institusyonalisasyon, at natutugunan ang kahit isa lang sa mga sumusunod na kondisyon:
- Ang kapansanan sa isa o higit pang mga bahagi ng mga aktibidad ng pang-araw-araw na pamumuhay, tulad ng pagkain, pagbibihis, paglipat, pagligo, pag-ikot, at pag-aayos
- Ang kapansanan sa dalawa o higit pang Kinakailangang Aktibidad ng Pang-araw-araw na Pamumuhay, tulad ng pag-inom ng mga gamot, pag-akyat sa hagdanan, kadaliang kumilos sa loob ng bahay, kadaliang kumilos sa labas, gawaing bahay, paglalaba, pamimili at mga gawain, paghahanda ng pagkain at paglilinis, transportasyon, telepono, at pamamahala ng pera
- Hindi mapangasiwaan ang kanyang sariling mga gawain dahil sa kapansanang may kaugnayan sa emosyon at/o pag-iisip
- May kapansanan dahil sa isang makabuluhang kaganapan o pangyayari na naganap sa loob ng nakaraang 12 buwan
Mga ipinagkakaloob na serbisyo
- I-assess ang mga pangangailangan ng kliyente at bumuo ng plano sa pangangalaga
- Awtorisahan, ayusin, i-monitor, at i-coordinate ang mga serbisyo
- Tulong sa paglabas mula sa mga pasilidad ng pangangalaga
Higit pang impormasyon
Makipag-ugnayan sa Pamamahala sa Pangangalaga sa Komunidad para mag-refer ng kliyente sa (415) 355-6700.