Mga Serbisyo sa May Kapansanan at Pagtanda Mga Grocery + Pagkain
Ang Departamento ng Mga Serbisyo sa May Kapansanan at Pagtanda (Department of Disability and Aging Services, DAS) at ang aming mga partner sa komunidad ay nag-aalok ng mga programa para sa libreng pagkain sa mga nakatatanda, beterano, at taong may kapansanan.
Mga meal na inihahatid sa bahay
Naghahatid ang programang ito ng mga masustansyang meal sa mga indibidwal na hindi makaalis ng bahay at walang kakayahang bumili o maghanda ng sarili nilang pagkain. Ang mga meal na ito ay inihahanda at inihahatid ng mga organisasyon sa komunidad na nasa aming non-profit na network.
Para mag-apply, tumawag sa DAS sa (415) 355-6700.
Mga meal sa komunidad
Nagbibigay ang DAS ng mga libreng masustansyang meal sa mga lokasyon sa buong Lungsod. Iminumungkahi naming tumawag sa mga site para sa meal para makumpirma ang mga serbisyo at iskedyul.
Tingnan ang aming kumpletong listahan, o tumawag sa DAS sa (415) 355-6700 para sa mga detalye.
Mga grocery na inihahatid sa bahay
Naghahatid ang programang ito ng mga pang-food pantry na grocery bawat linggo sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan na may mababang kita, na nahihirapang mag-uwi ng grocery sa bahay dahil sa limitadong paggalaw. Ang mga karagdagang grocery ay inihahatid nang libre ng SF-Marin Food Bank o ng isa sa kanilang mga partner na organisasyon.
Para mag-apply, tumawag sa DAS sa 415-355-6700 o sa SF-Marin Food Bank sa (415) 824-3663 (tumawag o mag-text) o help@sfmfoodbank.org.
Mga grocery bag para sa pag-pick up
Ang aming pakikipagtulungan sa SF-Marin Food Bank ay nagbibigay ng sariwang produce at iba pang masustansyang sangkap sa dose-dosenang pantry para sa libreng pagkain sa buong Lungsod.
Para magpatala at makakita ng mga lokasyon sa pag-pick up malapit sa iyo, tumawag sa SF-Marin Food Bank sa (415) 824-3663, mag-email sa help@sfmfoodbank.org, o gamitin ang kanilang tool na Locator ng Pagkain.
CHAMPSS
Ang Choosing Healthy Appetizing Meal Plan Solutions for Seniors (CHAMPSS) ay nagbibigay sa mga nasa hustong gulang na edad 60 pataas ng pagkakataong kumain ng masustansyang meal sa mga nakalaang restaurant. Ang aming mga partner na restaurant sa kasalukuyan ay S & E Cafe, Phosure, at Henry's Hunan. May iminumungkahing $4.00 na kontribusyon sa bawat meal.
Matuto pa sa website ng CHAMPSS o tumawag sa Self Help for the Elderly sa (415) 677-7600 o sa DAS sa (415) 355-6700.
Tulong sa pagkain ng CalFresh
Nagbibigay ang CalFresh sa mga indibidwal at sambahayang mababa ang kita ng espesyal na debit card na magagamit sa pagbili ng pagkain sa mga grocery, farmers' market, at iba pang food outlet.
Tumawag sa CalFresh sa (415) 558-4700 o DAS sa (415) 355-6700.