Kadalasan, maaaring makasama ulit ng mga bata ang kanilang mga magulang kapag naibalik na ang stability sa kanilang tahanan.
Gayunpaman, maraming sitwasyon kung kailan ang pag-ampon ay ang pinakamainam na desisyon na maaaring gawin. Sa mga ganitong sitwasyon, makakapagbigay ka ng permanente, ligtas, at mapagmahal na tahanan para sa isang bata sa pamamagitan ng pag-ampon.
Interesadong matuto pa tungkol sa pag-ampon? Sasagutin ng aming non-profit na partner na Family Builders ang lahat ng iyong tanong at gagabayan ka nito sa proseso sa application sa pag-ampon.
Sino ang maaaring mag-apply
Bukas kami sa mga aplikante mula sa lahat ng background, lahi, etnisidad, at antas ng kita kasama ang mga magkarelasyon, mga walang asawang nasa hustong gulang, LGBTQ+, at mga nakatatanda. Kasama sa mga kinakailangan ang stable na relasyon, kalusugan, trabaho, at pabahay (rental o pagmamay-ari).
Mga Gastusin
- Bayarin sa proseso ng pag-ampon na nagkakahalaga ng hanggang $500: Posibleng ma-defer, mabawasan, o ma-waive ang bayarin sa ilang partikular na kundisyon.
- May dagdag na bayarin na $300 para sa pagkuha ng mga fingerprint, medikal na eksaminasyon, paghahain sa hukuman, at iba pang gastusin kaugnay ng pag-ampon. Posibleng ma-reimburse ang ilang bayarin kung kwalipikado ka para sa Programa sa Tulong sa Pag-ampon.
Matuto pa
- Mag-sign up para sa libreng session para sa impormasyon sa unang Sabado ng buwan, 10:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. o sa pangalawang Martes ng buwan, 6:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.