Programa sa Cash na Tulong para sa Mga Imigrante (Cash Assistance Program for Immigrants, CAPI)
Ang CAPI ay isang programang pinopondohan ng estado na nagbibigay ng mga buwanang cash na benepisyo sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan na hindi kwalipikado para sa SSI/SSP dahil lang sa kanilang status sa immigration. Nag-iiba ang halaga ng CAPI depende sa status sa pag-aasawa, living arrangement, at iba pang kita ng isang tao.
Para magkwalipika sa CAPI, ikaw ay dapat:
- Residente ng California
- May sakit, hindi nakakakita, o may edad na 65+
- Mag-apply sa SSI/SSP para ipakitang natutugunan mo ang lahat ng kinakailangan sa SSI/SSP, maliban sa status sa immigration
- Nakakatugon sa mga limitasyon sa kita (tutulungan ka naming kalkulahin ang halagang ito)
- May mga resource na wala pa sa pinapayagang $2,000 na limitasyon para sa mga walang asawang indibidwal, o $3,000 para sa mga may asawa
Para mag-aplay: Tumawag sa (855) 355-5757
Para mapanatili ang iyong benepisyo sa CAPI: Kakailanganin mong i-renew ang iyong benepisyo taun-taon sa pamamagitan ng pagsusumite ng Ulat SOC 804.
Matuto pa: Manual ng Mga Patakaran at Pamamaraan, Dibisyon 49.
Mag-ingat sa mga scam sa EBT na nagnanakaw ng mga benepisyo mo
Kumilos ngayon para mapanatiling ligtas ang iyong mga benepisyo sa EBT at humiling ng muling pagbabayad pagkatapos manakawan ng EBT. Matuto pa at tingnan ang video at flyer.