Tulong na Pera sa Refugee (Refugee Cash Assistance, RCA)
Nagbibigay ang RCA ng pansamantalang tulong na pera, pagkain, at coverage sa pangangalagang pangkalusugan sa mga refugee na hindi kwalipikado para sa iba pang programa ng tulong na pera. Kasama rin sa RCA ang trabaho at iba pang serbisyong panlipunan.
Kung sino ang puwedeng maging kwalipikado para sa RCA
- Mga Refugee
- Mga Asylee
- Mga Cuban/Haitian na entrant
- Mga may-ari ng Special Immigrant Visa (SIV)
- Mga Afghan at Ukrainian na parole
- Mga Amerasian
Mga hakbang para mag-apply
-
1
Isumite ang iyong application sa isa sa mga paraang ito:
- Online: Sa BenefitsCal.
- Sa personal: 170 Otis Street, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
- Tumawag sa: (855) 557-5100
- I-download ang application (English | Español | 中文 | русский | Filipino | Tiếng Việt) at isumite ito sa isa sa mga paraang ito:
- Mail: SFHSA CalWORKs, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120
- Fax: (415) 557-5478
- Drop-off: 170 Otis Street, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
-
2
Iiskedyul at kumpletuhin ang iyong appointment sa RCA
Sa personal sa 170 Otis Street o sa pamamagitan ng telepono (855) 557-5100.
-
3
Isumite ang iyong papeles bago ang takdang petsa
Para sa tulong sa hakbang na ito, tumawag sa (855) 557-5100.
-
4
Pagkatapos mong mag-apply
Posibleng umabot nang hanggang 30 araw para matukoy ang iyong pagiging kwalipikado sa RCA. Sa panahong ito:
- Tingnan ang iyong mail at mga mensahe sa telepono kung may mga abiso mula sa CalWORKs, CalFresh (tulong sa pagkain), at Medi-Cal (mga serbisyo sa kalusugan).
- Kapag natukoy na ang iyong pagiging kwalipikado, makakakuha ka ng abiso sa pag-apruba o pagtanggi.
- Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon o halaga ng benepisyo, puwede kang maghain ng apela sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 952-5253, o sa pamamagitan ng pag-mail sa HSA Appeals Unit sa S600, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120-7988.
Higit pang impormasyon
Makipag-ugnayan sa iyong Tagapamahala ng Kaso. Para malaman kung sino ang iyong Tagapamahala ng Kaso, tumawag sa (415) 557-5100.