Mga Madalas Itanong
Para sa mga detalye tungkol sa pagkuha ng CalFresh batay sa iyong partikular na katayuan sa imigrante, mangyaring tingnan ang aming webpage ng Public Benefits for Immigrants .
Karaniwan para sa isang sambahayan na magkaroon ng ilang tao na kwalipikado at ilang hindi kwalipikado. Tiyaking isama ang lahat sa iyong application—ang CalFresh ay magbibigay lang ng mga benepisyo sa mga miyembro ng sambahayan na kwalipikado. Ang impormasyon ng miyembro ng sambahayan ay ginagamit lang para tukuyin ang pagiging kwalipikado para sa CalFresh. Ang tanggapan ng CalFresh ay hindi pinapayagan na magbahagi ng impormasyon sa US Citizenship and Immigration Services (USCIS).
Pagkatapos mong isumite ang iyong aplikasyon, kokontakin ka ng aming opisina upang mag iskedyul ng isang pakikipanayam. Ang interbyu na ito ay kinakailangan upang repasuhin ang impormasyong ibinigay mo sa iyong aplikasyon. Kung may kulang kang anumang dokumento, ipapaalam sa iyo ng aming mga tauhan kung ano ang ibibigay.
Alamin ang iyong mga karapatan! Kung may hindi mamamayan sa iyong tahanan na hindi humihingi ng mga benepisyo, hindi kami pinapayagang humiling ng katibayan ng kanyang status sa imigrasyon. Halimbawa, ang isang may-ari ng green card na hindi nag-a-apply para sa mga benepisyo para sa sarili niya ay hindi dapat hilinging ibigay ang impormasyon ng kanyang green card.
Ang mga dokumentong ito ay karaniwang kinakailangan para makakuha ng CalFresh:
- Isang kopya ng iyong ID
- Katibayan ng anumang kita mula sa nakalipas na 30 araw
- Katibayan ng pinansyal na tulong (para sa mga estudyante sa kolehiyo)
Posible ring hilingin sa mga imigranteng magbigay ng:
- Kopya ng iyong green card (magkabilaan)
- Kopya ng pinakakamakailan mong papeles para sa isang U Visa, T Visa, asylum, refugee o parolee status, o isang petisyon sa VAWA (Batas sa Karahasan Laban sa Kababaihan, Violence Against Women Act)
- Maaaring hilingin sa mga Naturalized na mamamayan ng U.S. na magbigay ng kopya ng kanilang U.S. passport o mga papeles sa naturalization
Mahalaga: Kung nag-a-apply ka lang para sa iba pang tao sa iyong sambahayan, hindi mo kailangang magbigay ng katibayan ng iyong status sa imigrasyon.
Posibleng lumaki ang halaga ng iyong benepisyo kung nagbabayad ka para sa alinman sa mga sumusunod:
- Mga gastos sa pabahay
- Ibinabayad na suporta sa bata
- Binayarang pangangalaga sa bata/dependent
- Mga medikal na gastos kung ikaw ay 60+ taong gulang o may kapansanan
Kung wala ka ng mga kinakailangang dokumento: Matutulungan ka ng iyong caseworker na makuha ang kinakailangang papeles.
Oo, at narito ang ilang makakatulong na puntong dapat isaalang-alang:
- Karaniwan para sa isang hindi dokumentadong magulang na mag-apply para sa mga batang mamamayan o may kwalipikadong status bilang imigrante.
- Ang CalFresh ay hindi nagbabahagi ng impormasyon sa mga opisyal ng pagpapatupad sa imigrasyon.
- Kung sasabihin mo sa iyong caseworker na may hindi mamamayan sa iyong pamilya na ayaw maisaalang-alang para sa mga benepisyo, hindi sila pinapayagang humingi ng katibayan ng kanyang status sa imigrasyon.
- Ang mga benepisyong ginagamit ng mga bata o iba pang miyembro ng sambahayan ay hindi negatibong makakaapekto sa mga hindi dokumentadong miyembro ng sambahayan.
- Maging tapat tungkol sa sitwasyon ng iyong imigrasyon (at lahat ng iba pang bagay) kapag nag-a-apply para sa CalFresh. Tandaan, hindi mo kailangang magbigay ng katibayan ng status ng imigrasyon para sa sinumang hindi nag-a-apply para sa mga benepisyo para sa mga sarili nila.
Ang sinumang hindi mamamayan ay puwedeng mag-opt out sa pagtanggap ng mga mga benepisyo sa CalFresh kung pipiliin nila. Kung gusto mong mag-opt out at mag-apply lang para sa iba pang tao sa iyong sambahayan, iwanang blangko ang tanong tungkol sa numero ng Social Security sa application. Tiyaking sabihin sa caseworker na hindi ka mamamayan at ayaw mo ng mga benepisyo para sa iyong sarili. Magagawa mo rin ito para sa sinupamang hindi mamamayan sa sambahayan na ayaw makatanggap ng mga benepisyo.
Ang sinumang mag-o-opt out sa pagtanggap ng mga benepisyo ay dapat pa ring nakalista sa application at dapat pa ring magbigay ng imporamsyon ng kita at gastos para matukoy ng county kung nakakatugon ang iyong sambahayan sa iba pang kinakailangan sa CalFresh.
Ang ilang imigrante, gaya ng mga aplikante ng U Visa at survivor ng human trafficking, ay posibleng kwalipikado para sa CalFresh bago sila makakuha ng mga numero sa Social Security. Tiyaking sabihin sa aming mga tauhan na gusto nilang maisama.
Maraming imigrante ang exempted sa public charge, kabilang ang mga imigranteng kwalipikado para sa CalFresh. Ang panuntunan sa public charge ay hindi nalalapat sa sinumang may green card na, maliban kung aalis siya sa U.S. nang mahigit anim na buwan.
Ang panuntunan sa public charge ay hindi rin nalalapat sa sinumang nag-apply, o nag-a-apply, para sa isa sa mga sumusunod:
- U.S. citizenship
- May-ari ng green card na nag-a-apply para sa pag-renew
- Status ng refugee
- Asylum
- U o T Visa
- Relief sa imigrasyon sa pamamagitan ng VAWA (Batas sa Karahasan Laban sa Kababaihan)
- Pansamantalang Status na Pinoprotektahan (Temporary Protected Status, TPS)
- Status na Espesyal na Batang Imigrante (Special Immigrant Juvenile, SIJ)
Mahalaga: Ang pagkuha ng CalFresh habang may isa ka sa mga nasa itaas o nag-a-apply ka para sa mga ito ay HINDI gagamitin laban sa iyo sa kalaunan kung mag-a-apply ka para sa green card.
Matuto pa tungkol sa Mga Pagbabago sa Public Charge.
Ang pagkuha ng CalFresh ay HINDI makakaapekto sa kakayahan mong maging mamamayan. Ito ay dahil ang pagsusuri sa public charge ay hindi bahagi ng proseso sa application para sa pagkamamamayan. Ito ay hindi rin nakakaapekto sa karamihan ng mga taong nag-a-apply para sa green card, dahil ang karamihan ng mga imigranteng kwalipikado para sa CalFresh ay exempted sa pagsusuri sa public charge.
Kung may mga tanong ka pa rin, puwede mong tawagan ang Linya ng Libreng Payo ng Legal na Tulong sa Bay Area (Bay Area Legal Aid Free Advice Line) sa (800) 551-5554, Tuwing Lunes at Huwebes, 9:30 a.m. hanggang 3:00 p.m., at Martes at Miyerkules, 9:30 a.m. hanggang 1:00 p.m. Makakakuha ka ng libreng payo mula sa San Francisco sa immigrants.sfgov.org.
Matuto pa tungkol sa Mga Pagbabago sa Public Charge.
Ang iyong personal na impormasyon ay pinoprotektahan at gagamitin lang para tukuyin ang iyong pagiging kwalipikado para sa mga benepisyo. Pinoprotektahan ng mga pederal at pang-estadong batas ang privacy ng mga taong nag-a-apply para sa at nakakatanggap ng CalFresh. Kung ikaw ay nag-a-apply para lang sa mga benepisyo para sa isa pang tao sa iyong pamilya o sambahayan, hindi mo kailangang ibahagi ang status ng iyong imigrasyon sa CalFresh. Ang aming opisina ay posibleng magbahagi ng impormasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para lang matukoy ang iyong pagiging kwalipikado para sa mga benepisyo, nang may mga limitadong pagbubukod.
Nagsisikap kaming ialok sa iyo ang pinakabagong impormasyon, ngunit posibleng magbago ang mga patakaran. Kung kailangan mo ng tulong para makapagdesisyon nang may pinakamalakas na batayan sa impormasyon para sa inyo ng iyong pamilya, tawagan ang Libreng Linya ng Payo ng Legal na Tulong sa Bay Area (Bay Area Legal Aid Free Advice Line) sa (800) 551-5554, tuwing Lunes at Huwebes, 9:30 a.m. hanggang 3:00 p.m., at Martes at Miyerkules. 9:30 a.m. hanggang 1:00 p.m. Puwede mo ring bisitahin ang immigrants.sfgov.org.
Higit pa tungkol sa CalFresh: Bisitahin ang aming mga web page ng CalFresh o tawagan kami sa (855) 355-5757, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Ang mga organisasyon sa ibaba ay nag-aalok ng mga libreng grocery at pagkain sa mga nangangailangan, anuman ang status sa imigrasyon.