Naka-enroll ka ba sa isang kolehiyo o vocational na paaralan?
Kung oo, puwedeng kwalipikado kang makatanggap ng $23-$291 bawat buwan mula sa CalFresh para makabili ng pagkain.
Paano gumagana ang CalFresh:
- Libre ito: Hindi mo ito kailangang bayaran. Hindi ito makakaapekto sa iyong pinansyal na tulong, student loan, o credit score.
- Madaling gamitin: Makakakuha ka ng Electronic Benefits Transfer (EBT) card, na gumagana nang tulad sa debit card, para makabili ng pagkain sa mga grocery, farmer’s market, Amazon, Dashmart, Thrive, Forage, at pati sa DoorDash.
Nagbibigay rin sa iyo ang EBT card mo ng access sa:
- Dobleng produce para sa bawat dolyar mula sa CalFresh na gagamitin mo sa ilang farmer's market.
- Libre o may diskwentong ticket sa museo, membership sa Amazon Prime, telepono, at higit pa.
- Mga meal sa restaurant kung ikaw ay walang matirhan o may kapansanan.
Handa ka na bang mag-apply?
Pumunta sa getcalfresh.org upang simulan ang iyong aplikasyon sa iyong pangalan, lagda, at address lamang (maliban kung nakakaranas ka ng kawalan ng tirahan).
Higit pa tungkol sa mga aplikasyon ng mag-aaral sa CalFresh
Bilang bahagi ng proseso ng aplikasyon, may gagawin kaming interview para makumpirma ang impormasyon sa iyong aplikasyon gaya ng:
- Bilang ng mga taong kasama mo sa bahay na binibilhan at pinagluluto mo ng pagkain
- Kita mo sa iyong trabaho at iba pang mapagkukunan kasama ang suporta para sa pagkawala ng trabaho at sustento sa anak
- Iyong gastusin sa tirahan, kasama ang upa, mortgage, at utility
- Status mo bilang mag-aaral at pinansyal na tulong sa iyo
Huwag kalimutang itanong kung nakakatugon ka sa mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado para sa Lokal na Programang Nagpapataas ng Employability (Local Program that Increases Employability, LPIE).
Ang mga kolehiyo sa ibaba ay may mga programa para sa mga pangunahing pangangailangan na tumutulong sa mga mag-aaral na makatanggap ng mga pansuportang serbisyo, gaya ng CalFresh. Bisitahin ang kanilang mga website para sa higit pang impormasyon.
- University of California San Francisco (UCSF)
- San Francisco State University (SFSU)
- Community College of San Francisco (CCSF)
- University of San Francisco (USF)
Kung hindi nakalista ang iyong paaralan sa itaas, hinihikayat ka naming alamin kung mayroon itong programa para sa mga pangunahing pangangailangan.