Pederal na pinopondohan at pinapangasiwaan ang WIC sa pamamagitan ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan (Department of Public Health, DPH) ng San Francisco para maibigay ang mahahalagang benepisyo para sa mga pamilyang may mga anak, kasama ang:

  • Tulong na pagkain: Nagbibigay ang WIC ng average na $62 kada tao kada buwan para sa pagbili ng masustansyang pagkain. Puwedeng makatanggap ang mga buntis na kalahok ng karagdagang $40 kada buwan sa mga voucher sa prutas at gulay ng EatSF.
  • Nutrisyon ng Sanggol: Tatanggap ang mga pamilya ng suporta sa nutrisyon ng sanggol kasama ang libreng suporta sa pagpapasuso mula sa mga consultant sa pagpapasuso, mga breast pump, at infant formula.

Available ang WIC sa mga sumusunod na aplikante base sa kita:

  • Mga buntis at kapapanganak na ina
  • Mga sanggol at batang 0 hanggang 5 taong gulang na nanganganib ang nutrisyon
  • Mga ama, lolo/lola, imigrante, at tumatayong magulang ng mga bata
  • Posibleng awtomatikong maging kwalipikado para sa WIC ang mga pamilyang may magulang o mga anak na tumatanggap ng Medi-Cal, CalWORKs, o CalFresh.

Paano mag-apply para sa WIC

Para mag-apply, tumawag o bumisita sa isang klinika para sa WIC sa San Francisco. 

Higit pang benepisyo para sa mga tumatanggap ng WIC

Bilang tumatanggap ng WIC, puwede kang maging kwalipikado para sa benepisyo sa kalusugan, trabaho, at daan-daang dolyar ng mga benepisyo sa pagkain kada buwan, kasama ang:

  • CalFresh: 
    • Tulong na pagkain bilang karagdagan sa iyong mga benepisyo ng WIC. Base sa kita ng sambahayan, puwedeng magbigay ang mga benepisyo ng CalFresh ng humigit-kumulang $766 kada buwan para sa pamilyang may tatlong miyembro at $973 para sa pamilyang may apat na miyembro. 
    • Mga libreng diaper para sa mga sambahayang may mga anak na wala pang tatlong taong gulang mula sa San Francisco Diaper Bank. Matuto pa.
  • Coverage sa kalusugan ng Medi-Cal, kabilang ang iba pang opsyon sa coverage kung hindi ka kwalipikado para sa Medi-Cal
  • Tulong sa trabaho ng CalWORKS, kabilang ang pangangalaga ng bata, mga libreng diaper, at iba pang serbisyo

Para sa higit pang impormasyon ng WIC, bisitahin ang website ng DPH.

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?