Ligtas na Magsuko ng Mga Sanggol
Ang sinumang magulang o taong may legal na pag iingat ay maaaring sumuko ng isang sanggol nang kumpidensyal, at walang takot na usigin, sa loob ng 72 oras mula sa kapanganakan ng bata.
Ang isang bagong panganak na sanggol ay maaaring isuko sa anumang emergency room sa ospital ng San Francisco o fire station sa loob ng 72 oras ng kapanganakan.
Walang kukunin ang pangalan ng magulang at walang itatanong. Ang magulang at sanggol ay bibigyan ng magkatugmang may code at kumpidensiyal na mga bracelet ng pagkakakilanlan para kung magbabago ng isip ang magulang, puwedeng bawiin ng magulang ang sanggol sa loob ng 14 na araw mula sa araw ng pagsusuko.
24 Oras na Linya ng Krisis para sa mga Magulang: Tumawag sa TALK Line sa (415) 441-5437 para sa pagpapayo at impormasyon kung saan makakakuha ng medikal na paggamot at mga serbisyong sumusuporta sa San Francisco.
Tawagan ang toll-free na hotline sa (877) 222-9723 o bisitahin ang web page ng Programa ng Ligtas na Isinukong Sanggol para sa higit pang impormasyon, kabilang ang mga lokasyon para sa mga lugar ng ligtas na pagsusuko sa buong estado ng California.