Maging IHSS Recipient
Mga Hakbang para Mag-apply
-
1
Tugunan ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado
- Nakatira sa bahay o sa isang shelter, pero hindi sa isang board and care na pasilidad, nursing home, o ospital.
- Tumatanggap ng Medi-Cal o maging kwalipikado para sa Medi-Cal.
- Nagbibigay ng pagpapatunay sa pangangalagang pangkalusugan na Form SOC 873 na nagpapakita ng iyong pangangailangan para sa mga serbisyo.
-
2
Mag-apply sa isa sa mga sumusunod na paraan:
- Tumawag sa (415) 355-6700.
- I-fax o ipadala sa pamamagitan ng koreo ang nakumpletong Referral Form ng IHSS.
Ang mga referral ay dapat isumite ng mga provider ng komunidad o discharge planner online sa SFGetCare.org.
-
3
Maging Kwalipikado para sa Medi-Cal
Kung wala ka pang Medi-Cal o SSI, may IHSS Eligibility Worker na makikipag-ugnayan sa iyo para mag-iskedyul ng panayam at masuri ang impormasyon ng kita mo.
-
4
Sumailalim sa pagtatasa na isasagawa ng Social Worker
- Kapag nakakuha ka na ng Medi-Cal, may IHSS Social Worker na itatakda sa iyo na gagawa ng appointment para sa pagbisita sa tahanan.
- Pagkatapos ng pagtatasa, makakatanggap ka ng abiso ng pagkilos na magpapaliwanag kung inaprubahan o tinanggihan kang makatanggap ng mga serbisyo.
- Kung hindi ka sumasang-ayon sa pagtatasa, may karapatan kang iapela ang desisyon sa isang pagdinig ng estado.
Higit pang resource
Tingnan ang Mga Fact Sheet ng IHSS ng estado.
Hindi kwalipikado para sa IHSS?
Alamin ang tungkol sa iba pang opsyon para sa mga serbisyo sa tahanan sa Support at Home at Self-Help for the Elderly.