Mga Serbisyo sa Pamilya
Ang Mga Serbisyo sa Pamilya at Bata (Family and Children’s Services, FCS) ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) ay nagbibigay ng mga serbisyo para sa kapakanan ng bata na nagsusulong sa kaligtasan, permanency, at kabutihan ng mga bata, teenager, at pamilya.
Mga serbisyong iniaalok ng FCS at aming mga partner
- Mag-ulat ng pang-aabuso: Iulat ang mga pinaghihinalaang kaso ng pang-aabuso, kapabayaan, at pananamantala sa bata sa 24 na oras na hotline ng FCS .
- TALK line para sa mga magulang: Tumawag sa TALK Line ng Safe & Sound sa (415) 441-KIDS o sa (415) 441-5437 para sa suporta, mga referral sa serbisyo, o para lang makipag-ugnayan sa isang nagsanay na boluntaryo.
- Agarang sagot para sa mga foster family: Tumawag sa linya ng Family Urgent Response System (FURS) sa (833) 939-3877. Nagbibigay rin ang FURS ng mga mobile response team na binubuo ng mga may malasakit na nagsanay na propesyonal na nag-aalok ng face-to-face na suporta sa mga kritikal na sandali para sa mga kasalukuyan at dating foster na teenager at kanilang mga tagapag-alaga.
- Mobile Response Team (MRT) ng Seneca: Mga pamilyang nasa 90 milya ng San Francisco na nakikibahagi sa kapakanan ng bata, at para sa mga foster na teenager na nasa juvenile probation at kanilang mga tagapaga-alaga. Puwedeng tumawag ang mga kwalipikadong pamilya sa pambuong-estadong numero ng FURS (na nasa itaas) at maikonekta sa Seneca, o puwede silang direktang tumawag sa Seneca sa (877) 305-8989.
- Mga pamilyang may mga anak na posibleng alisin sa tahanan: Makipag-ugnayan sa Mga Pansuportang Serbisyo sa Pamilya o sa Epiphany Center para sa intensive na pangangalaga at suporta sa tahanan.
- Paggamot sa pang-aabuso ng substance para maisulong ang reunification: Ang Family Treatment Court (FTC) ay isang boluntaryong programa na sinusubaybayan ng hukuman na nagsusulong ng stable at pangmatagalang reunification ng pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magulang na tugunan ang kanilang mga isyu sa pang-aabuso ng substance, pagpapahusay sa kanilang mga kakayahan bilang magulang, at access sa mga wraparound na serbisyo. Mag-email sa JPasinosky@sftc.org, o tumawag sa (415) 551-5767.
- Suporta sa pagsasanay ng magulang: Ang The Parent Training Institute ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco ay nagbibigay ng impormasyon at mga libreng resource para sa mga ahensya at practitioner na naghahatid ng parenting na batay sa ebidensya, at para sa mga pamilyang gusto ng suporta sa parenting. Tumawag sa (415) 255-3412.
Mga Family Resource Center (FRC): Nagbibigay ang Departamento para sa Pagkabata ng San Francisco ng libreng suporta sa parenting sa pamamagitan ng 26 na FRC sa buong Lungsod. Ang mga FRC ay mga ligtas na lugar kung saan magagawa rin ng mga pamilya na lumahok sa masasayang aktibidad kasama ang ibang pamilya. Matuto pa at tingnan ang mapa ng mga lokasyon ng FRC.
- CalWORKs: Nakakatanggap ang mga pamilyang may CalWORKs ng HSA ng cash na tulong at mga serbisyo para sa trabaho, pag-aalaga ng bata, pagkain, insurance sa kalusugan, kalusugan ng pag-iisip, pabahay, edukasyon, at libreng diaper. Mag-email sa CalWORKs@sfgov.org o tumawag sa (415) 557-5100.
- Edgewood Kinship Support Network: Tumutulong ang Edgewood sa pag-aalis sa mga gap sa mga pampublikong serbisyong panlipunan para sa mga kinship caregiver at sa mga batang kanilang inaalagaan. Kasama sa mga serbisyo ang pamamahala ng kaso, workshop sa parenting, pagkain, supply, kakayahan sa pamumuhay nang mag-isa, referral sa kalusugan ng pag-iisip, at pampamilyang aktibidad. Mag-email sa Hope Ivory sa HopeI@edgewood.org o tumawag sa (415) 725-0765.
- La Raza Community Resource Center: Ang La Raza ay isang ahensya sa komunidad na nagseserbisyo sa mga residente ng Bay Area na may mababang kita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga referral para sa mga libreng serbisyo para sa pagkain, pangangalagang pangkalusugan, immigration, pamamahala ng kaso, at parenting at suporta sa mga babae. Mag-email sa info@larazacrc.org o tumawag sa (415) 863-0764.
- Seneca Family of Agencies: Nakikipagtulungan ang Seneca sa mga departamento para sa kalusugan ng pag-iisip, kapakanan ng bata, at katarungan para sa mga juvenile sa buong California para makapagbigay ng mga wraparound na serbisyong nakatuon sa kaligtasan, permanency, at kapakanan ng mga vulnerable na teenager at pamilya. Tumawag sa (510) 654-4004.
- Nagbibigay ang La Casa de las Madres ng mga libre at kumpidensyal na serbisyo para sa mga survivor ng karahasan sa bahay/karahasan ng kapareha bawat araw ng taon.
- Nag-aalok ang GLIDE ng iba't ibang serbisyo, kasama ang mga serbisyo para sa mga offender sa pamamagitan ng kanilang Men In Progress na programa ng pamamagitan sa karahasan.
- Mga magulang na may mga anak o magkakaanak pa lang: Nagbibigay ang Programa para sa Pagbubuntis ng Mga Walang Matirhan ng pamamahala ng kaso sa pabahay, limitadong pinansyal na tulong, at tulong sa paghahanap ng ligtas na pabahay para sa mga may anak o buntis. Makipag-ugnayan sa programa.
- Mga nasa hustong gulang na may edad 18-24: Sa Coordinated Entry for Youth ng Lungsod, tinutukoy kung kwalipikado sila sa pabahay, lumulutas ng mga problema, at nagbibigay ng mga referral sa mga teenager na walang matirhan. Ang programa ay pinapatakbo ng Larkin Street Youth Services at Huckleberry Youth sa pakikipagtulungan sa mga lokal na organisasyon para sa serbisyo. Tingnan ang mga contact ng serbisyo para sa mga teenager at pamilya.
- Suporta sa Pabahay ng CalWORKs: Nag-aalok ng pinansyal na tulong at tulong sa upa, mga panseguridad na deposito, bayad sa utility, panggastos sa paglilipat, voucher sa hotel at motel, pag-recruit ng landlord, pamamahala ng kaso, outreach at placement para sa pabahay, legal na serbisyo, at pagsasaayos ng credit. Tumawag sa CalWORKs sa (415) 557-5100.
Higit pang impormasyon tungkol sa FCS
- Gabay ng Magulang sa Mga Serbisyo para sa Kapakanan ng Bata (English | Español)
- Ulat sa Kapakanan ng Bata 2022
- Manual ng Patakaran ng FCS
- Direktoryo ng Staff ng FCS
- Higit pang lathalain ng FCS
May mga alalahanin o reklamo tungkol sa FCS?
Ang Ombudsperson ay isang hiwalay na facilitator na tumutulong sa pagtugon sa mga alalahanin o reklamo mo sa FCS tungkol sa visitation, placement, iyong protective services worker, reimbursement, kahilingan para sa mga serbisyo, at higit pa.
Tandaan: Ang Ombudsperson ay hindi isang empleyado ng FCS o bahagi ng legal na system, at hindi nag-iimbestiga ng pinaghihinalaang pang-aabuso sa bata.
Makipag-ugnayan sa amin
Bago ka makipag-ugnayan sa Ombudsperson, talakayin ang iyong mga alalahanin sa iyong FCS worker at sa kanyang supervisor sa (415) 557-5000.
Kung hindi ka pa rin masisiyahan pagkatapos mo siyang makausap, makipag-ugnayan sa Ombudsperson sa (415) 558-2828 o sa pamamagitan ng pag-email sa todd.wright@sfgov.org. Ibigay ang iyong pangalan, numero ng telepono, ang pangalan ng iyong protective services worker, ang pangalan ng iyong anak, at kung kailan ka puwedeng tawagan.