Mag-apply para sa CAAP
-
Ano ang CAAP?
-
Makipag-ugnayan sa CAAP
-
Mag-apply para sa CAAP
-
Tingnan ang Pagiging Kwalipikado
-
Gamitin ang CAAP
-
Panatilihin ang CAAP
Mga hakbang para makakuha ng CAAP
-
1
Paano mag-apply
Mag-apply online sa BenefitsCal o tumawag sa (833) 879-1365. Tandaan: Sa bagong proseso na two-step na beripikasyon ng BenefitsCal, magiging mas secure ang iyong account. Alamin kung paano magberipika.
-
2
Magpaiskedyul ng interview para sa Intake
May makikipag-ugnayan sa iyo na worker para iiskedyul ang interview para sa Paunang Intake sa pamamagitan ng telepono.
-
3
Magpa-interview
- Magpa-interview sa telepono para sa Paunang Intake. Kung kwalipikado, matatanggap mo ang iyong mga benepisyo sa susunod na araw pa lang.
- Papadalhan ka ng iyong intake worker ng mga dokumentong dapat mong lagdaan at ipadala sa pamamagitan ng koreo, email, fox, o i-drop off.
- Posibleng kailanganin mo ring magsumite ng beripikasyon ng kita at residency para patuloy kang makatanggap ng tulong. Mayroon kang hanggang isang buwan (pagkalipas ng takdang petsa ng aplikasyon) para isumite ang mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng koreo, fax, email, o pag-drop off sa aming Service Center sa 1235 Mission Street.
- Dapat sumailalim ang lahat ng aplikante para sa CAAP at tatanggap ng CAAP sa pagkilatis para sa Kaangkupang Magtrabaho.
- 4
-
5
Hindi sumasang-ayon sa pasya sa pagiging kwalipikado?
Puwede kang humiling ng Patas na Pagdinig ng CAAP sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 558-1177.
Paggamot at Mga Serbisyo para sa Paggamit ng Substance
Simula sa Enero 1, 2025, ang mga kliyente ng CAAP na may disorder sa paggamit ng droga at pag-inom ng alak na gustong makatanggap ng tulong na pera na pinopondohan ng county ay nakatala dapat sa paggamot at mga serbisyo. Tingnan ang mga detalye: English | Español | 中文 | Filipino | Tiếng Việt | Русский
Anunsyo
May available nang shelter para sa mga indibidwal na walang matirhan at walang dependent sa San Francisco na nag-a-apply para sa tulong na pera. Tumawag sa (833) 879-1365 kung interesado ka sa shelter.