Mga Serbisyo ng Ahensya ng Mga Serbisyong Pantao ng San Francisco (San Francisco Human Services Agency, SFHSA) Gumamit ng Medi-Cal
Pagkatapos maaprubahan para sa Medi-Cal, makukuha mo ang karamihan ng iyong mga benepisyo sa Medi-Cal sa pamamagitan ng medikal na planong iniaalok sa County ng San Francisco.
Pumili ng isa sa dalawang planong iniaalok sa County ng San Francisco. Ang pareho ay nagbibigay ng Mahahalagang Benepisyo sa Kalusugan (Essential Health Benefits, EHB) pati iba pang serbisyo. Paghambingin ang dalawang plano para mapili mo ang pinakanababagay sa inyo ng pamilya mo. Tandaan: Piliin ang iyong plano sa loob ng 30 araw. Kung hindi mo ito gagawin, ang estado ang pipili para sa iyo.
- Plano sa Partnership ng Anthem Blue Cross, (800) 407-4627, TTY/TDD (888) 757-6034
- Planong Pangkalusugan ng San Francisco, (800) 288-5555, TTY/TDD (888) 833-7347
- May mga specialty na planong pangkalusugan din na available.
Mag-enroll sa isang plano sa isa sa mga paraang ito:
- Online
- Telepono: Tumawag sa Pinamamahalaang Pangangalaga ng Medi-Cal sa (800) 430-4263, (TTY 1-800-430-7077).
- Mail: Punan at ipadala ang iyong Form ng Medikal na Pamimilian sa CA Department of Health Care Services, Health Care Options, P.O. Box 989009, West Sacramento, CA 95798-9850. Kailangan ng tulong sa pagsagot sa form? Tingnan ang mga tagubilin o tumawag sa (800) 430-4263, (TTY 1-800-430-7077).
Sinasaklawan ng parehong planong pangkalusugan ng Couny ng San Francisco ang mga sumusunod:
- Mga serbisyo sa outpatient (ambulatory)
- Mga pang-emergency na serbisyo at pagpapaospital
- Pangangalaga sa ina at bagong panganak
- Mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip at disorder sa paggamit ng droga at pag-inom ng alak
- Mga serbisyo sa mga inireresetang gamot at laboratoryo
- Physical at occupational therapy at mga device
- Mga serbisyo para sa pag-iwas at kabutihan ng kalagayan at pamamahala sa chronic na sakit
- Mga serbisyo para sa mga bata (pediatric), kabilang ang pangangalaga sa bibig at paningin.
Ang iyong coverage sa ngipin sa Medi-Cal ay posibleng kabilangan ng:
- Mga exam, x-ray, paglilinis
- Mga pagbunot, pasta, crown, root canal
- Mga pang-emergency na serbisyo
- Mga pustiso
- Orthodontics (braces)
Matuto pa tungkol sa coverage sa ngipin at mga provider:
- Smile California website: English | Español | 中文 | русский | Tiếng Việt | Filipino
- Video: English | Español
- Flyer: English | Español | 中文 | русский | Tiếng Việt | Filipino
- Maghanap ng isang Dentista
Anunsyo
Epektibo Enero 1, 2023: Mga pagbabago sa pag-access ng mga serbisyo ng Medi-Cal:
Kakailanganin ng karamihan ng mga beneficiary ng Medi-Cal na i-access ang mga serbisyo ng Medi-Cal sa pamamagitan ng plano ng Pinamamahalaang Pangangalaga. Matuto pa. Kung ikaw ay isang naninirahan na may Pangmatagalang Pangangalaga (Long Term Care, LTC), mag-click dito.
Access Medi-Cal through managed care
Most Medi-Cal beneficiaries are required to access Medi-Cal services through a Managed Care plan. Learn more. If you are a Long Term Care (LTC) resident, click here.