Mga Serbisyo sa Pamilya at Mga Bata (Family and Children's Services, FCS) Mga Inaatasang Mag-ulat ng Pang-aabuso sa Bata
Paano Mag-ulat ng Pang-aabuso
Ang mga inaatasang mag-ulat ay inaatasan ng batas na iulat ang pinaghihinalaang pang-aabuso, kapabayaan, o pananamantala sa bata na nangyayari sa County ng San Francisco sa pamamagitan ng:
- Pagtawag sa Family & Children's Services Hotline (800) 856-5553, 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo
- Pagsusumite ng Suspected Child Abuse Report (Form BCIA 8572) sa loob ng 36 oras mula sa verbal report (Tagalog | Espanol | 中文 | русский | Ti-Vi��ng Việt | Higit pang mga wika)
Ipadala ang nakumpletong form gamit ang isa sa tatlong paraan:
- Fax: (415) 557-5351
- Koreo: Family & Children's Services, Attn: Hotline H110, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120-7988
- Email: FCSHotlineReports@sfgov.org
Mga tanong? Tumawag sa hotline ng FCS para makipag-usap sa isang social worker para sa mga pamproteksyong serbisyo.
Sino ang Inaatasang Mag-ulat?
Ang inaatasang mag-ulat, ayon sa paglalarawan ng Batas sa Pag-uulat ng Pang-aabuso at Kapabayaan sa Bata (Child Abuse and Neglect Reporting Act, CANRA), ay isang taong inaatasang mag-ulat ng kaalaman o makatuwirang hinala na may nangyayaring pang-aabuso sa bata, na nalaman habang siya ay kumikilos sa isang propesyonal na kapasidad o nasa trabaho.
Kasama sa mga inaatasang mag-ulat ang:
- Mga guro at tauhan sa paaralan
- Mga provider ng pag-aalaga ng bata
- Mga medikal na propesyonal
- Mga propesyonal sa kalusugan ng pag-iisip at social worker
- Mga propesyonal sa pagpapatupad ng batas
- Mga miyembro ng clergy
- Mga boluntaryo
Tingnan ang kumpletong listahan ng mga inaatasang mag-ulat.
Pagiging Kumpidensyal
Hindi puwedeng ihayag ang pagkakakilanlan ng inaatasang mag-ulat sa pamilya o sinumang hindi direktang nauugnay sa imbestigasyon ng kaso.
Sasabihin sa opisyal na tagapagpatupad ng batas at/o social worker para sa mga pamproteksyong serbisyo na nag-iimbestiga sa kaso ang pangalan ng inaatasang mag-ulat para magawa nilang makipag-ugnayan sa kanya tungkol sa ulat. Magkakaroon din ng access sa pangalan ng inaatasang mag-ulat ang iba pang propesyonal na nauugnay sa kaso, gaya ng mga detective at abugado.
Kung sakaling magresulta sa paglilitis ang kaso at atasan ang inaatasang mag-ulat na tumestigo, puwedeng ihayag ang kanyang pagkakakilanlan sa hukuman.
Pagsasanay ng Mga Inaatasang Mag-ulat
Mga lokal na inaatasang mag-ulat: Pumunta sa personal na pagsasanay na inihahatid ng aming partner na organisasyong Safe & Sound. Nag-aalok sila ng libreng pagsasanay na tumatalakay sa:
- Mga legal na mandato ng mga taong may trabahong nauugnay sa mga bata at pamilya
- Mga indicator ng pang-aabuso sa pangangatawan at gawi
- Paano tumugon sa isang batang maghahayag ng pang-aabuso
Para humiling ng training, mag-email sa info@safeandsound.org o tumawag sa (415) 668-0494.
Mga inaatasang mag-ulat na nasa labas ng County ng San Francisco: Bisitahin ang pambuong-estadong website ng Pagsasanay sa Inaatasang Mag-ulat ng Pang-aabuso sa Bata para mag-sign up sa libreng online na pagsasanay tungkol sa mga pangunahing kinakailangan sa iniaatas na pag-uulat.