PAGHAHANDA AT TULONG SA EMERGENCY Humingi ng Tulong para sa Pagbangon sa Sakuna
Kung na-displace ka ng isang sakuna sa San Francisco, posibleng magkwalipika ka para sa mga serbisyong pang-emergency sa ibaba.
Agarang tulong sa sakuna
Para sa agarang tulong sa pagkain, damit, o pabahay, gaya ng matutuluyan nang magdamag at pansamantalang hotel, makipag-ugnayan sa American Red Cross sa (866) 272-2237.
Kapalit na pagkain
Mag-apply sa CalFresh para sa Sakuna kung nawalan ka ng pagkain dahil sa sunog, brownout, o iba pang sakuna. Kung nakakatanggap ka na ng CalFresh, makipag-ugnayan sa (415) 558-4700 o mag-email sa food@sfgov.org.
Pinsalang dulot ng sunog
Na-displace ka ba dahil sa pinsalang dulot ng sunog sa iyong tirahan? Ang Lungsod ng San Francisco ay may mga resource na makakatulong sa iyong bumangon. Matuto pa.