Mga Serbisyo sa Sakuna Mga Serbisyong Pang-emergency para sa Pinsalang Dulot ng Sunog

Na-displace ka ba dahil sa pinsalang dulot ng sunog sa iyong tirahan? Ang Lungsod ng San Francisco ay may mga resource na makakatulong sa iyong bumangon. 

Kung napinsala ng sunog ang iyong tirahan:

Nagbibigay ang American Red Cross ng agarang tulong para sa pagkain, damit, o matitirhan, gaya ng overnight shelter at pansamantalang hotel para sa iyo at iyong pamilya. Kung nakaranas ka o ang isang kakilala ng sakuna kamakailan, tumawag sa (866) 272-2237.

Kung nawalan ng pagkain ang iyong sambahayan dahil sa isang sunog, matutulungan ka ng SFHSA na mag-apply para sa pang-emergency na kapalit ng pagkain. Kung tumatanggap ka na ng CalFresh, kontakin ang (415) 558-4700 o mag-email sa food@sfgov.org.

SFHSA Emergency Rental Assistance Program: website, (415) 557-5370, email HSAFireResponse@sfgov.org
SF-ERAP ay nagbibigay ng mga nangungupahan ng:

  • Mga unit na may hindi kontroladong upa sa pamamagitan ng minsanang pagbabayad  para makatulong sa mga gastusin sa paglipat sa isang bagong unit. Direktang ibibigay ng programa ang bayad sa landlord ng bagong unit.
  • Mga unit na may kontroladong upa sa pamamagitan ng buwanang subsidiya sa upa. Sasagutin ng subsidiya ang kulang sa pagitan ng upa sa permanenteng tirahan ng tenant at ng katulad na unit na pinapa-lease sa kasalukuyang market rate. Puwedeng tumagal ang subsidiya nang hanggang dalawang taon, o hanggang sa puwede nang i-reoccupy ang permanenteng address, alin man doon ang mauna. May karapatan ang mga tenant ng mga unit na may kontroladong upa na bumalik pagkatapos ng mga pagpapa-repair.

Para maging kwalipikado sa programa, dapat ay:

  • Na-displace ka dahil sa isang sunog sa San Francisco sa nakalipas na tatlong buwan
  • Mayroon kang kitang hindi lumalampas sa 100% ng Median na Kita sa Lugar (Area Median Income, AMI)
  • Mayroon kang mga liquid asset na hindi lumalampas sa $60,000 (hindi kasama ang account para sa pagreretiro at ipon para sa kolehiyo, mga sasakyan, at iba pang property)
  • Naubos na ang anumang benepisyo mula sa mga renters o homeowners' insurance.

Makakatulong ang SFHSA sa mga residente na tukuyin kung kwalipikado sila para sa pinansyal na tulong sa pamamagitan ng ERAP.Para makapag-apply o matuto nang higit pa, kontakin HSAFireResponse@sfgov.org o tumawag sa (415) 557-5370.

San Francisco Displaced Tenant Housing Preference Program: website, (415) 701-5613
Ang Mayor’s Office of Housing and Community Development (MOHCD) ay tumutulong sa mga tenant na na-displace mula sa matitirhang may kontroladong upa na na-evict nang hindi nila kasalanan, dahil sa sunog, o dahil sa hindi mabayarang upa dahil hindi ito abot-kaya. Nagbibigay ang certificate ng preference para sa mga lottery sa abot-kayang matitirhan na isinasagawa ng MOHCD. Ang form ng application para sa lottery ay dapat may lagda ng Bureau of Fire Investigation ng SFFD o ng SFHSA.

Higit pang programa: 

Mag-iiba ang timeline ng iba't ibang insidente ng sunog depende sa kalalaan ng sitwasyon. Aabisuhan ang mga tenant tungkol sa kundisyon ng kanilang unit kaugnay ng habitability at access sa mga ari-arian. Makikipagtulungan ang Kagawaran ng Pagsisiyasat sa Gusali (Department of Building Inspection, DBI) sa mga may-ari at landlord ng property para magbigay ng access sa gusali para sa mga tenant.

Makipag-ugnayan sa DBI sa (628) 652-3450 o mag-email sa DBI.inspectionservices@sfgov.org.

May karapatan kang bumalik sa ilalim ng mga tuntunin ng iyong kasunduan sa upa bago ang pag-alis mo noong nakaraan. Mayroon kang 30 araw para abisuhan ang landlord na tinatanggap o tinatanggihan mo ang alok na mag-reoccupy. Kung tatanggapin mo ang alok, kakailanganin mong i-reoccupy ang bahay mo sa loob ng 45 araw pagkatapos mong matanggap ang alok ng iyong landlord.

Kung kailangan mong makakuha ng ulat ng sunog para gumawa ng claim sa insurance, tingnan ang tagubilin sa webpage ng Mga Ulat ng Sunog ng San Francisco Fire Department. 

Matutulungan ka ng mga sumusunod na organisasyon na maunawaan ang mga karapatan ng tenant at humingi ng tulong:

Para sa higit pang resource, tingnan ang kumpletong Listahan ng Mga Organisasyon sa Mga Karapatan ng Tenant.

Para sa emergency kaugnay ng alagang hayop kabang may sunog, tumawag sa Mga Animal Control Officer para sa tulong sa (415) 554-9400.

May mga resource na available sa mga negosyo pagkatapos ng isang malaking sunog, kasama ang grant ng Tulong para sa Sakunang Dulot ng Sunog na nagkakahalaga ng hanggang $10,000. Matuto pa

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?

 

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value