Mag-ulat ng nawawala o ninakaw na EBT Card

Tumawag sa (877) 328-9677 (24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo) para sa kapalit na card.

Paano protektahan ang iyong mga benepisyo sa EBT

Pumunta sa website ng ebtEDGE o i-download ang ebtEDGE app sa Google Play o Apple App store, at gumawa ng account para magawang:  

  • I-freeze/i-unfreeze ang access sa EBT card 
  • Humiling ng bagong EBT card
  • Suriin ang kasaysayan ng transaksyon
  • Baguhin ang PIN, password, email address 
  • I-block ang mga transaksyon sa Internet o sa labas ng estado 

May mga tanong? Tumawag sa helpline ng Serbisyo sa Customer ng EBT sa (877) 328-9677.

Ninakaw ba ang iyong mga benepisyo sa EBT sa electronic na paraan?  

Kung oo, puwede kang humiling ng mga kapalit na benepisyo sa pamamagitan ng mga sumusunod: 

  1. Iulat ang krimen sa pamamagitan ng pagtawag sa (877) 328-9677 (24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo) 
  2. I-download, kumpletuhin, at isumite ang Form 2259. 

  • Baguhin ang PIN ng iyong EBT buwan-buwan sa pamamagitan ng pagtawag sa (877) 328-9677 (24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo).  Mainam na baguhin ang iyong PIN sa araw bago pumasok ang iyong buwanang bayad sa card mo.  Para malaman ang araw ng buwanang bayad sa iyo, tingnan ang huling digit ng iyong numero ng kaso sa ibaba ng pangalan mo sa iyong EBT card.
  • Tingnan ang iyong balanse sa EBT linggu-linggo sa pamamagitan ng pagtawag sa (877) 328-9677 (24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo).  Tingnan kung may mga hindi pamilyar na singil. 
  • Takpan ang iyong keypad kapag inilalagay mo ang iyong PIN sa pamamagitan ng paggamit sa libre mong kamay para takpan ang PIN mo at hindi ito makita ng ibang tao o ng isang camera.
  • Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal na impormasyon, numero ng EBT card, o PIN para sa anumang dahilan. 

Huwag kailanman sumagot sa mga alok na may: 

  • “Libreng cell phone mula sa pamahalaan” o “mga gift card.”   
  • “Pamproteksyong plano” mula sa isang kumpanyang nagsasabing bahagi sila ng programa ng estado.  
  • Babala mula sa mga “nababahalang mamamayan” tungkol sa seguridad ng EBT card na may numerong tatawagan na mistulang opisyal.
  • Mga text message o email na humihingi ng impormasyon ng personal mong EBT.
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?