Para lamang sa mga residente ng San Francisco: Kung tumatanggap ka ng CalWORKs, CalFresh, at Medi-Cal, makakakuha ka ng libreng diaper para sa iyong mga anak na wala pang dalawang taong gulang.
Nagbibigay kami ng pagpapayo sa mga karapatan, representasyon sa pagharap sa mga korte, at pagbalangkas ng mga legal na dokumento para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan.
Ang aming Ombudsman ng Pangmatagalang Pangangalaga ay nagtataguyod para sa mga tao sa mga pasilidad ng skilled nursing, pasilidad ng pangangalaga sa tirahan, at mga programa ng ginagabayang pamumuhay.