Makakuha ng Mga Benepisyo sa Trabaho at Pagsasanay ng IHSS

Bilang IHSS Provider, makakatanggap ka ng buwanang suweldong nakabatay sa kada oras na rate at mga taunang pagtaas ng suweldo. Mayroon ka ring access sa mga benepisyong coverage sa kalusugan at pagsasanay sa trabaho na nakasaad sa ibaba.  
Tingnan ang mga rate ng suweldo ng IHSS Provider.

Mga benepisyo ng provider

  • Kalusugan at Paningin: Kung binayaran ka para magtrabaho nang hindi bababa sa  25 oras sa loob ng nakalipas na dalawang magkasunod na buwan, puwede kang mag-apply para sa insurance ng Healthy Workers sa pamamagitan ng Planong Pangkalusugan ng San Francisco (San Francisco Health Plan, SFHP). 
  • Ngipin:  Kung binayaran ka para magtrabaho nang hindi bababa sa 25 oras sa loob ng nakalipas na anim na magkakasunod na buwan, puwede kang mag-apply para sa Liberty Dental Plan.

Makakatanggap ka ng mga form ng pagpapatala para sa application bago ang takdang petsa ng application. Kung magpapatala ka bago lumipas ang ika-12 araw ng buwan, magsisimula ang iyong coverage sa unang araw ng susunod na buwan.

Kung hindi ka pa nababayaran para sa binigyan ng awtorisasyon na bilang ng mga oras kada buwan, wawakasan ang iyong insurance. Aabisuhan ka sa pamamagitan ng koreo isang buwan bago matapos ang iyong insurance. Kung wawakasan ang iyong insurance, dapat kang mag-apply ulit para sa coverage kapag kwalipikado ka na.

Ang insurance na Bayad-pinsala sa Mga Manggagawa ay nagbibigay ng pamalit sa sahod at mga medikal na benepisyo kung mayroon kang pinsala habang nagtatrabaho para sa isang IHSS Recipient.

Para maghain ng claim sa Bayad-pinsala sa Mga Manggagawa: 

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng Intercare.

Ang IHSS Career Pathways ay isang opsyonal na programa para malinang ang iyong mga kakayahan bilang IHSS Provider para sa Mga IHSS Provider at Provider ng Mga Waiver na Serbisyo sa Pangangalaga ng Sarili (Waiver Personal Care Services, WPCS).  Babayaran ang mga trainee ng Pathway para sa oras na iginugol sa pagdalo at pagkumpleto sa mga pagsasanay. 

Paano magparehistro: Tingnan ang Catalog ng Kurso at magparehistro para sa mga kurso sa page na Career Pathways.

Higit pang impormasyon: 

Kinakatawan ng SEIU Local 2015 ang mga IHSS Provider para sa sama-samang pakikipag-bargain para sa pagtaas ng sahod ng mga miyembro, coverage ng mga benepisyo, mga kundisyon sa pagtatrabaho, at mga pamamaraan ng karaingan.

  • Para sa impormasyon ng SEIU, tumawag sa (855) 810-2015, bumisita sa SEIU sa 1645 California Street, o bumisita sa SEIU2015.org.
  • Para sumali sa SEIU, bisitahin angpagpapatala ng miyembro saSEIU Local 2015 .

May opsyonal na ID ng IHSS Provider na available sa IHSS Public Authority.  Magpa-appointment para makuha ang iyong ID

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
DNahanap mo ba ang hinahanap mo?

 

When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value
When autocomplete results are available use up and down arrows to review and enter to select, or type the value