Isumite ang Mga Timesheet ng IHSS
Paano magsumite ng mga timesheet
Mag log in sa Electronic Services Portal (ESP) upang:
- Ilagay ang iyong mga oras at isumite ang mga timesheet
Mga yugto ng pagbabayad: May dalawang yugto ng pagbabayad sa isang buwan. Ang una ay para sa ika-1 hanggang ika-15 araw. Ang pangalawa ay para sa ika-16 na araw hanggang sa huling araw ng buwan.
Araw ng pagsumite: Isumite ang mga timesheet sa huling araw ng yugto ng pagbabayad. Hindi ipoproseso ang mga maagang pagsumite hanggang sa pagtatapos ng yugto ng pagbabayad.
Paalala: Para maiwasan ang mga paglabag sa overtime, huwag lalampas sa iyong lingguhang mga oras na binigyan ng awtorisasyon.
- Tingnan ang iyong timesheet at status sa pagbabayad
- Magpatala sa direct deposit
- Mag-claim ng sick leave
Bayad na Sick Leave
Kwalipikado ang Mga IHSS Provider para sa sick pay sa pamamagitan ng Programa sa Sick Leave ng IHSS. Magagawa mong tingnan ang iyong mga available na oras ng sick leave at i-claim ang mga ito sa Electronic Services Portal.
TANDAAN: Mag-e-expire ang hindi magagamit na sick leave sa pagtatapos ng taon ng piskalya ng estado (Hunyo 30).
Tingnan ang mga detalye para sa bayad na sick leave.
Bayad sa overtime
Kung aatasan ka ng iyong IHSS Recipient na magtrabaho nang mahigit sa kanilang maximum na oras kada linggo, kailangan nilang makipag-ugnayan sa kanilang IHSS Social Worker para humiling ng overtime.
Bayad para sa oras ng pagbiyahe
Kung marami kang IHSS Recipient, magbabayad ang estado para sa oras ng pagbiyahe sa pagitan ng mga kliyente sa parehong araw. Pito ang maximum na bilang ng mga oras para sa bayad na oras ng pagbiyahe sa isang linggo. Para mabayaran ang oras ng pagbiyahe:
- Para humiling ng form ng claim sa pagbiyahe, isumite ang form SOC 2255 (English | 中文 | Español) sa pamamagitan ng
- Email: ihsspaymentunits@sfgov.org o
- Koreo: Attention, IHSS N3AX, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120-9939
- Pagkatapos mong isumite ang SOC 2255, tingnan ang Electronic Services Portal (ESP) para sa form ng claim sa pagbiyahe. Kung gumagamit ka ng Telephone Timesheet System (TTS), awtomatikong magpapadala sa iyo ng form ng claim sa pagbiyahe.
Iniaatas ng mga alituntunin ng pederal na pamahalaan sa mga IHSS Provider na hindi kasama sa bahay na mag-check in sa pagsisimula ng kanilang araw ng trabaho at mag-check out sa pagtatapos ng kanilang araw ng trabaho. Isinasagawa ang pag-check in at pag-check out sa lugar ng iyong trabaho. Maisasagawa ito sa ESP o TTS o sa pamamagitan ng IHSSEVV app.
Para sa Mga IHSS Provider na hindi kasama sa bahay:
- Kapag magche-check in at magche-check out ka, piliin ang "Home" para kumpirmahin ang iyong lokasyon. HINDI buong araw na susubaybayan ang iyong lokasyon.
- Kung nagbibigay ka ng mga serbisyo ng IHSS at WPCS, kakailanganin mong hiwalay na mag-check in at mag-check out para sa bawat programa.
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang webpage ng estado: Electronic na Pagberipika sa Pagbisita (Electronic Visit Verification, EVV) para sa Mga Recipient at Provider.
Paano sumagot sa mga abiso sa paglabag sa timesheet
Pakisuri ang impormasyon sa ibaba at makipag-ugnayan sa amin sa (415) 557-6200 kung kailangan mo ng tulong.
- Paunang paglabag: Susubukan ng IHSS na makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng telepono o koreo para ipaalam sa iyo ang tungkol sa paglabag sa overtime.
- Paglabag 1: Papadalhan ka ng IHSS, sa pamamagitan ng koreo, ng abiso sa paglabag.
- Paglabag 2: Papadalhan ka ng IHSS, sa pamamagitan ng koreo, ng abiso sa paglabag at materyales sa pagtuturo ng pagsasanay sa sarili para kumpletuhin para makatanggap ka ng minsanang waiver sa pangalawang paglabag.
- Paglabag 3: Papadalhan ka ng IHSS, sa pamamagitan ng koreo, ng abiso sa paglabag at mayroon kang 20 araw para sumagot, kapag hindi mo ito ginawa, sususpindihin nang 90 araw ang status mo bilang provider.
- Paglabag 4: Papadalhan ka ng IHSS, sa pamamagitan ng koreo, ng abiso sa paglabag at mayroon kang 20 araw para sumagot, kapag hindi mo ito ginawa, sususpindihin nang 12 buwan ang status mo bilang provider at aatasan kang magpatala ulit sa IHSS. Aatasan kang magbigay ulit ng mga fingerprint.
Paano mag-apela ng paglabag:
- Isumite ang Form SOC 2272 (kasama sa bawat abiso sa paglabag) na ipinadala sa iyo sa loob ng 10 araw ng kalendaryo. Pagkatapos, susuriin ng county ang iyong apela at makakatanggap ka ng sagot sa pasya sa pamamagitan ng koreo.
- Kung hindi mo iaapela ang pangatlo o pang-apat na paglabag, sususpindihin ka.
- Kung gusto mong i-dispute ang pasya ng county sa pangatlo o pang-apat na paglabag, puwede kang mag-apela sa estado sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa county sa (415) 557-6200 at paghingi ng form para sa pag-dispute (SOC 2273) ng Kahilingan sa IHSS para sa Pang-administratibong Pagsusuri ng Estado sa Pangatlo o Pang-apat na Paglabag na Lampas sa Workweek at/o Limitasyon sa Oras ng Pagbiyahe (SOC 2273) sa loob ng 10 araw mula sa petsang nakasaad sa abiso sa paglabag.