Programa ng Tulong sa Mga Biktima ng Trafficking at Krimen (Trafficking and Crime Victim Assistance Program, TCVAP)
Nagbibigay ang TCVAP ng tulong na pera sa mga biktima ng krimen na nangangailangan ng mga agarang serbisyo.
Kung sino ang puwedeng maging kwalipikado para sa TCVAP
Mga taong hindi mamamayan ng U.S. at:
- Kumukuha ng legal na humanitarian status
- O kaya, tumutulong sa pag-uusig ng krimen*
*Kasama sa mga tumutulong sa pag-uusig ng krimen ang mga biktima ng:
- Human trafficking na naghihintay ng pagpapatunay ng Office of Refugee Resettlement (ORR)
- Karahasan sa pamilya
- Iba pang mabigat na krimen
Mga hakbang para mag-apply
-
1
Isumite ang iyong application sa isa sa mga paraang ito:
- Online: Sa BenefitsCal.
- Sa personal: 170 Otis Street, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
- Tumawag sa: (855) 557-5100
- I-download ang application (English | Español | 中文 | русский | Filipino | Tiếng Việt) at isumite ito sa isa sa mga paraang ito:
- Mail: SFHSA CalWORKs, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120
- Fax: (415) 557-5478
- Drop-off: 170 Otis Street, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.
-
2
Iiskedyul at kumpletuhin ang iyong appointment sa TCVAP
Sa personal sa 170 Otis Street o sa pamamagitan ng telepono sa (855) 557-5100.
-
3
Isumite ang iyong papeles bago ang takdang petsa
Para sa tulong sa hakbang na ito, tumawag sa (855) 557-5100.
-
4
Pagkatapos mong mag-apply
Posibleng umabot nang hanggang 30 araw para matukoy ang iyong pagiging kwalipikado sa TCVAP. Sa panahong ito:
- Tingnan ang iyong mail at mga mensahe sa telepono kung may mga abiso mula sa CalWORKs, CalFresh (tulong sa pagkain), at Medi-Cal (mga serbisyo sa kalusugan).
- Kapag natukoy na ang iyong pagiging kwalipikado, makakakuha ka ng abiso sa pag-apruba o pagtanggi.
- Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon o halaga ng benepisyo, puwede kang maghain ng apela sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 952-5253, o sa pamamagitan ng pag-mail sa HSA Appeals Unit sa S600, P.O. Box 7988, San Francisco, CA 94120-7988.
Higit pang impormasyon
Makipag-ugnayan sa iyong Tagapamahala ng Kaso. Para malaman kung sino ang iyong Tagapamahala ng Kaso, tumawag sa (415) 557-5100.