Mga Serbisyo sa Kapansanan at Pagtanda Pagsusulong ng Kalusugan
Nag-aalok ang dalawang programang ito ng mga klase sa pag-eehersisyo para sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan. Tumutulong ang programa sa mga kalahok na manatiling malusog at independent habang pinapataas ang kanilang enerhiya, pinapabuti ang kalusugan ng kanilang pag-iisip, at tinutulungan silang makiisa sa komunidad. Ang mga klase ay may kasamang cardiovascular movement, at pagpapahusay sa balanse at flexibility.
Ang mga klase ay iniaalok ng aming partner sa komunidad na Onlok.
Sino ang kwalipikado
Mga nakatatanda (60+) o nasa hustong gulang na may kapansanan na nakatira sa San Francisco.
Tingnan ang iskedyul ng klase at magparehistro
- Matuto pa tungkol sa Always Active at tingnan ang iskedyul ng virtual na klase..
- Magparehistro para sa Always Active sa pamamagitan ng pagtawag kay Luz Ibarra sa (415) 550-2265 at (415) 550-2291 o pag-email sa luz.ibarra@onlok.org.
- Magparehistro para sa Fall Prevention sa pamamagitan ng pagtawag kay Dr. Christian J. Thompson sa (415) 422-5270 o kay Sue Mittelman sa (415) 550-2208 o pag-email sa susan.mittelman@onlok.org.
Ang Pansariling Pamamahala ng Pabalik-balik na Sakit ay isang libreng anim na buwang workshop na binuo ng Stanford para tulungan ang mga nakatatanda na pamahalaan ang kanilang mga pabalik-balik na kundisyon sa kalusugan sa kasalukuyan. Nakatuon ang serye ng workshop sa mga kakayahan sa pansariling pamamahala, kasama ang paglutas ng problema, pagpaplano ng pagkilos, mainam na pagkain, pagmomodelo ng gawi, at pagtatakda at pag-abot ng mga layunin.
Ang mga workshop ay iniaalok ng aming partner sa komunidad na Onlok at ginagawa nang isang beses sa isang linggo sa loob ng 2.5 oras. Ang bawat serye ay pinangungunahan ng dalawang nagsanay na educator sa kalusugan at ginagawa sa iba't ibang wika.
Sino ang kwalipikado
Sinumang nakatatanda na may kasalukuyang kundisyon sa kalusugan. Kwalipikado rin ang mga tagapag-alaga, kapamilya, at kaibigan na may inaalagaang nakatatanda na may kasalukuyang kundisyon sa kalusugan.
Matuto pa at magparehistro
- Tingnan ang kalendaryo ng workshop.
- Magparehistro sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 550-6002 o pag-email sa workshop@onlok.org.
- Matuto pa sa webpage ng Healthier Living ng OnLok.
Ang libreng anim na linggong workshop na ito na ginawa ng Stanford ay tumutulong sa mga nasa hustong gulang na kontrolin ang kanilang pananakit. Tinatalakay ng serye ng workshop ang programang Practicing Moving Easy na binubuo ng mga marahang ehersisyo, gumagamit ng mga instrumento para sa pag-iisip at pangangatawan, umuunawa ng paggamit ng gamot, mainam na pagkain, pag-iwas sa pagkatumba, at higit pa.
Ang mga workshop ay iniaalok ng aming partner sa komunidad na Onlok at ginagawa nang isang beses sa isang linggo sa loob ng 2.5 oras. Ang bawat serye ay pinangungunahan ng dalawang nagsanay na educator sa kalusugan at ginagawa sa iba't ibang wika.
Sino ang kwalipikado
Sinumang nakatatanda na may kasalukuyang kundisyon sa kalusugan. Kwalipikado rin ang mga tagapag-alaga, kapamilya, at kaibigan na may inaalagaang nakatatanda na may kasalukuyang kundisyon sa kalusugan.
Matuto pa at magparehistro
- Tingnan ang kalendaryo ng workshop.
- Magparehistro sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 550-6002 o pag-email sa workshop@onlok.org.
- Matuto pa sa webpage ng Pansariling Pamamahala ng Pabalik-balik na Pananakit ng OnLok.
Ang Diabetes Empower Education Program (DEEP) ay isang libreng anim na buwang workshop na tumutulong sa mga nakatatandang may diabetes na matuto pa tungkol sa diabetes, pamahalaan ang kanilang kundisyon, at magpanatili ng aktibong paraan ng pamumuhay na malayo sa sakit.
Ang workshop na ito ay iniaalok ng aming partner sa komunidad na Onlok at ginagawa nang isang beses sa isang linggo sa loob ng dalawang oras. Ang workshop ay pinangungunahan ng isang educator sa kalusugan at ginawa ng Midwest Latino Health Research Training and Policy Center sa University of Illinois sa hicago.
Sino ang kwalipikado
Sinumang nakatatanda na may diabetes o pre-diabetes. Kwalipikado rin ang mga tagapag-alaga, kapamilya, at kaibigan na may inaalagaang nakatatanda na may diabetes.
Tingnan ang iskedyul at magparehistro
- Magparehistro sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 550-6002 o pag-email sa workshop@onlok.org.
- Matuto pa sawebpage ng DEEP ng OnLok .
Ang Programa sa Pagpapayo at Pagsusulong ng Insurance sa Kalusugan (Health Insurance Counseling and Advocacy Program, HICAP) ay isang programa para sa mga boluntaryo na tumutulong sa mga nakakatanggap ng Medicare, kanilang pamilya, at mga tagapag-alaga na maunawaan ang kanilang mga benepisyo, opsyon, at karapatan sa insurance sa kalusugan. Nag-aalok ang HICAP ng libre, walang kinikilingan, kumpidensyal, at personal na tulong mula sa mga counselor sa insurance sa kalusugan na inirehistro ng Departamento sa Pagtanda ng California.
Nag-aalok kami ng tulong sa pamamagitan ng Medicare, mga karagdagang patakaran ng Medicare, Organisasyon para sa Pagpapanatili ng Kalusugan (Health Maintenance Organization, HMO), at insurance sa pangmatagalang pangangalaga. Matutulungan ka rin namin sa paghahain at paghahanda ng mga claim sa insurance at apela sa Medicare, kung tinanggihan ang iyong apela.
Tanungin kami tungkol sa aming mga libreng presentation na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa Medicare at iba pang paksang nauugnay sa insurance sa kalusugan.
Makipag-ugnayan sa
Self-Help for the Elderly, 601 Jackson Street 2nd Floor, San Francisco, CA 94133
(415) 677-7520 o (800) 434-0222
Tumutulong ang mga programang ito sa mga nakatatanda at nasa hustong gulang na may kapansanan na manatiling malusog at independent habang pinapataas ang kanilang enerhiya, pinapabuti ang kalusugan ng kanilang pag-iisip, at tinutulungan silang makiisa sa komunidad. Ang mga programang ito ay may kasamang panggrupong movement, pagpapalakas, pagbabalanse, at flexibility. Ang mga klase ay iniaalok ng aming partner sa komunidad na Self Help for the Elderly at pinopondohan sa pamamagitan ng grant sa Pamumuhay nang Malayo sa Sakit ng CalFresh.
Sino ang kwalipikado
Mga nakatatanda (60+) at taong may kapansanan na nakatira sa San Francisco.
Tingnan ang iskedyul at magparehistro
Ginagawa ang mga libreng klase nang dalawa o tatlong beses sa isang linggo sa loob ng lima o anim na linggo:
- Tai Chi for Arthritis and Fall Prevention: Ginawa ng Tai-chi for Health Institute.
- Walk with Ease: Ginawa ng Arthritis Foundation
- Bingocize: Ginawa ng Western Kentucky University Research Foundation, Inc.